Sunday, June 5, 2011

bagong simulain

Habang bahagyang nakatingala sa asul at payapang kalangitan ay marahan  itinaas niya ang dalawang braso, pumikit, dinama ang malambing na ihip ng hangin at ngumiti ng may kakutentuhan habang nakatayo sa ibabaw ng burol.

Ramdam  na ramdam ni Trisha ang sariwang hangin na malayang humahaplos sa pisngi niya. Dinig na dinig niya ang masayang awitan ng mga ibon at ang pagaspas ng mga dahong tila nagsasayawan sa kanyang paligid. At kahit siya’y nanaapikit, tila nakikita niya pa rin sa isip ang walang hanggang kulay berde na nakalatag sa kanyang harapan.
Napahagikgik siya bago dumilat ng marinig ang mahabang sigaw ng kaibigang si Aleya sa kanyang tabi. Tumingin siya dito at napuna niyang ito ma’y nakapikit at bahagyang nakangiti habang sumisigaw. Nakigaya siya rito at sumigaw din siya ng malakas sa abot ng kanyang makakaya. At pagkatapos ay sabay silang nagtawanan.


Saturday, June 4, 2011

MULI

Heto na naman akong muli..


Muling naglalakas ng loob at muling smusubok.
 Umaasang sa panibagong pagkakataon, ika'y akin ng masilayan. 
Hindi sumusuko, hindi nawawalan ng pag-asa.

Muli akong humaharap sa liwanag  na dati’y aking sinubukang sungkitin ngunit panandaliang nilimot. Hinarap ang katotohanan at isinantabi ang ilusyon.

Ilusyon nga bang maituturing ang nahihimlay na dugo na sa aki’y bumubuhay?

Isa muling pagkakataon na sa aki’y naghihintay.
Gusto kong yakapin.
Gusto kong sunggaban.

Ngunit sa pagkakataong ito’y magpapa sunggab ka na nga ba? Magpapayakap ka na ba?

O isa ka na namang muli na magpapahintay sa panibago na namang muli?

Why Love makes us sad?

I heard it not just once, but for several times from different persons. Sa totoo lang, sa tuwing pag-ibig ang pinag-uusapan laging karugtong ang pain, ang lungkot. Bakit nga ba ganon?

Sabi nila, “To love is like a glimpse of heaven”.

Masyadong mataas ang expectation natin pagdating sa love. Bakit nga ba hindi? We are living in a world where pain is a usual thing to live with. Humahanap tayo ng bagay na kahit sandali, kahit saglit lang ay maglalayo sa atin sa katotohanan na masyadaong malupit ang mundong ginagalawan natin lalo na kapag hindi mo masabayan ang tiyempo nito. Na mayroong isang knight in shining armor na darating sa buhay natin with his beautiful white horse para sagipin tayo at dalhin sa kastilyo kung saan ang bawat musmos nating pangarap ay matutupad. Kung kaya naman kapag hindi na nagtagpo ang mga expectations natin ay nasasaktan tayo at nawawalan ng pag-asa.

pagkalipas ng mahabang panahon

pagkalipas ng mahabang panaho'y muli kong nasilayan ang liwanag..
at saglit na naharuyo sa mapanlinlang na ligaya..
tinalikuran ang paniniwalang matagal ko ring niyakap..
nagpakalunod sa daloy na 'di tiyak ang hangganan.

kahit sandali, kahit saglit lamang, bakit nila ipagkakait?
sila lang ba ang may matatawag na karapatan?
pangarap ko ba'y habang-buhay na lamang hahadlangan..
nang itim na aninong nagsusumiksik,
sa pagkatao ko'y ayaw bumitiw.

pagkalipas ng mahabang panaho'y muli kong naaninag..
ang kinang mong aking inalagaan,
sa tagong bahagi ay aking binantayan
ayaw pakawalan at mariing niyapos
sa isang lugar na 'di matatanaw.

muli akong umasam,
pag-asa'y muling nag-umalpas,
damdamin ko'y sadyang hindi napigilan,
o sadya lamang talagang ayaw kong pigilan.

pagkalipas ng mahabang panaho'y muli kong nakita,
isang pangarap na gustong lumipad,
ang damdamin ay pilit pang nagkukumawala,
mabilis, kumawala, lumipad!
sa himpapawid ay kaybilis umangat.
ngunit sa isang iglap, biglang lumagapak.
dahil lamang sa isang katotohanang aking nakalagtaan.

pagkalipas ng mahabang panahon..
pagkalipas,
mahabang panahon..
mahabang panahon..
panahong sasapat sa isang katotohanang mundo'y umiikot
at ang lahat ng inalagaan ko, iningatan at binantayan..
dahil sa panahong lumipas ay kailanma'y hindi na aakma..
sa mundong aking pinangarap pagkalipas ng mahabang panahon.

ONE STEP HIGHER

Tinatanong ko ang sarili ko, hindi ba merong mga tao na na nagsasabing “I love the music, it’s just that the music doesn’t love me”?  How about in writing? Meron din bang ganun?
Muli na namang kinakain ng insekyuridad ang pangarap at pagkatao ko.  Paano kung hindi ako magtagumpay? Paano kung ang pangarap ko ay hanggang pangarap na lang? Paano kung malaman kong hindi pala totoo ang mga nasa isip kong kaya ko ring gawin iyon? Nilalamon na namang muli ng takot, kababawan at karuwagan ang sistema ko. At tulad ng nabubulok na prutas, unti-unti nitong minamantsahan ang pag-asa ko. At pagkapos, kung sakali mang may maisalba pang bahagi, aalisin ang parteng nabulok kung kaya naman may pingas na. Hindi na  buong katulad ng dati.
Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko ang panibagong pangarap at pag-asang aking sinimulan. Muli akong sumubok subalit muli rin akong nagduda sa aking kakayahan. Sinasabayan pa ito ng mga uod na pilit dumudumi sa aking isipan. Mga problemang tila nananadyang kusang dumarating sa panahong ikaw ay pabagsak.
Sabi nila, ang taong hindi sumusuko ay pinagpapala. Ayokong sumuko, ayokong tumigil, alam kong gusto ko pang ituloy ang laban. Subalit paano na kung  ang buong pagkatao ko na ang tumututol? Makakaya ko pa bang sugatan ang aking pusong bugbog na sa paulit-ulit na pakikibaka?
Pero nandiyan ka na naman. At tulad ng dati ay hindi mo ako pinabayaan. Muli ko na namang narinig ang awit ng anghel na humahaplos sa aking damdamin. Mapagpala at mapag-aruga. Nagbibigay ng bagong pag-asa at bagong liwanag. At tulad nang dati, mas gusto kong maglunoy sa malinaw na batis kaysa magpatangay sa maruming putik na pilit humihila sa akin. Sino ako para tanggihan ang iyong mapagpalang kamay?
Alang-alang sayo na patuloy umaasa sa aking kakayahan , ipagpapatuloy ko ang laban. I know I’m almost there. I’ll never give up. One step higher and I will finally see you smile. For your smile, one step higher.

no point of moving on


How can I forget you? Please tell me my love. Could that be possible to easily forget you and get rid you completely in my mind? I don’t think so. No. For it seems that you’re the only one on it. And taking you away can make my mind block and my heart dead.
Though the memories of you can slice my heart and break it into pieces, pour tears in my cheeks, gives so much pain and enough heartache that can almost kill me. Those memories with you were the only ones also that can give back my life.
I need you, I badly needed you. But I know I can’t have you. And for that my love for you grows stronger. Why? For you’re a dream I can never have. You’re a dream I can never reach. It gives so much pain. Yes, but that can never stop me from loving you…. I will live in pain. I will forever embrace it. If that is the only way so I can continue loving you, then I’ll endure it.

why can't you move on?

"I'm excited to see what's gonna happen... GOD surprises me in ways i couldn't even imagine....thank you LORD for all the blessings i received and will receive :)"

Yan ang nabasa kong status mo the other day. Sa totoo lang hindi ko alam kung anu mararamdaman ko. Pero ang pilit kong sinisiksik sa isip ko ay masaya ako. Totoo. Alam mo bang ilang beses ka ng nasama sa evening prayers ko? I'm always asking God for your true happiness and finally mahanap at makilala mo na rin ung right partner for you. Yung totoong mamahalin ka at aalagaan ka. And to tell you the truth, tears were falling down on my cheeks while whispering those words. it seems like a silent remorse was happening to me. Kahit wala naman talaga akong dapat ika guilty.

I still remember that time na out of the blue eh bigla kang nag-open sa kin. Still remember those words we exchanged and that brief conversation we made.

So, sabihin mo sakin, 'di ba dapat matuwa ako dahil i think finally sinagot na ni God ang prayers natin. Kahit na nung mga time na yun ay hindi ko alam kung bakit ko nga ba ginagawa yun. Hindi naman tayo close at never kitang naka-usap ng matagal. Pero everytime na ipipikit ko ang mga mata ko at makikipag-uasp kay Lord ay naalala kita. Hindi ko talaga masagot that time those why's clinging on my mind.

Pero kanina, iba na naman ang sinasabi mo. I feel again your pain and sense your hope has gone. How could that be? I smell the presence of giving up.

All is a mystery. You're such an enigma to me. I can't trully read you.

Pero my isa akong nadiscover.And finally, i found the answer for those why's im avoiding in.I don't know if you'll ever understand me. Don't care completely for your reaction.

These are the truth at least i discover. I'm just a fool , afraid girl to go out from my comfort zone.I don't want to be hurt again and so afraid na pag hindi ka pa nakakita ng totoong magmamahal sayo ay ipiprisinta ko na ang sarili ko. Alam mo ba yun? But i'm such a paranoid. so afraid for any rejections. And i don't want to receive any pain coming from you. I'm always begging God to find you the onefaster. Dahil natatakot na ko sa mga nararamdaman ko towards you. Baka dumating yung time na hindi ko na mapigilan pa 'to.That's true.

For every attempt you made to say goodbye for your feelings and failed it seems that the hurt is rebounding to me and i suffer twice you feel. You're always saying "mahirap talagang magmahal ng sa simula pa lang alam mo ng may mahal ng iba". i can feel your pain.True. but i'm not sure if i also feel the same. Pero nararamdamn ko na malapit na.

So please, i dont want to hear any pain from you. I want you to be happy with your life and find a girl who will trully love you, not the one who always hurt you. Forgerher. Be happy so i can back to my true self .Move on with your life so i can and move mine.

heto na naman.. heto na naman..

Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung anung klaseng espada ba ang meron ka at nagagawa mong balewalain ang sobrang kapal kong panangga laban sa sugat na pilit mong tinatatak sa puso ko? Buti sana kung katulad lang ng ibang galos na madaling naghihilom at hindi nag-iiwan ng bakas ang pinalalasap mo saa kin. Anu bang atraso ko sayo at pilit mong ginugulo ang isip ko?

Sabi ko noon, ayoko na.Tama na. Masyado na akong nasugatan at tila mauubos na ang dugo ko sa walang patid nitong pagtulo. Mahal ko ang sarili ko, oo. Siguro nga hindi kasing lalim ng nararamdaman ko sayo pero sapat na para igalang ko ito at magtira ng para sa sarili ko.

Tumigil na ako, at sa loob ng sandaling panahon ay alam kong nagtatagumpay na ako. Pero bakit nandyan ka na naman? Nag-aanyaya at nanghahalina ang iyong ngiti na may talim pala at unti-unting umuubos ng lahat ng enerhiyang matagal kong inipon panlaban sayo. Pero heto pa rin ako, kusang nagpapatangay sa maitim na tubig na alam kong magdadala sayo. Tinatanong ang sarili kung kailan ba ako madadala pero ayaw rin namang sagutin. Balik na naman ako sa dati kong "bahala na" na ilang buwan ko ring niyakap.

Tanga ba ang pag-ibig o sadyang bulag lang?
Hindi. Hindi ito maaring bulag sapagkat alam ko at malinaw kong nakikita ang mga pangyayari at sa halip na pumikit ako ay pinipilit ko pang aninagin upang mabigyang ligaya ka lang kahit ang katumbas nito ay panibagong pait na matagal kong lalasapin.

Pero wala na akong pakialam, ang bawat sugat na nagdudulot ng pilat sa pagkatao ko ang nagsisilbing paraan upang mamanhid ang puso ko mula sa sakit na nalalasap ko mula sayo. At sa bawat latay na dumadapo sa puso ko mula sa malupit mong pag-atake ay sinasangga ng pag-ibig ko sayong habang tumatagal ay palalim ng palalim hanggang sa wala ng natititra para sa katinuan ko.

Tuluyan ko ng niyakap ang dilim at dumi ng iyong pag-ibig. Nagpakalublob sa putik ng kasalanan at naglunoy sa sakit ng katotohanang maaring kapiling na naman kita sa ngayon pero bukas ay babalik kang muli sa kanila, sa iyong tunay na pamilya.

look, who's fool now

"How can i say goodbye to someone i never had? Why do tears fall for someone who was never mine? Why do i miss someone i was never with? And i ask myself why do i love someone whose love was never mine to begin with?"

Nung unang beses ko yan nabasa mula sa post ng friend ko, natawa lang ako.
Sa isip ko pa"what a fool. Hinayaan nyang mainlove sya sa taong hindi naman sya mahal".i thought then that my life was perfect. complete family, having so many nice friends , im better at school, and most importantly i have a boyfriend na mahal na mahal ako, si Ian. Dyan tumakbo ang buhay ko sa loob ng mahigit dalawang taon. Hanggang isang araw, bumulaga na lang sakin ang masakit na katotohanan.

It was friday afternoon nang makita ko si Ian sa loob ng isang classroom sa school namin. Kasama nya si Shaine, ang last na girlfriend nya bago naging kami. They are having a serious conversation na ni hindi man lang nila napansin na matagal na kong nkatayo sa may pinto. After a few minutes, nagdecide akong wag na lang silang gambalain. Aalis na sana ko ng biglang tumayo si Shaine na naging way para mapansin kong umiiyak pala sya kaya napatigil ako at napakunot ang noo. Tumayo rin si Ian at sa pagkagulat ko ay niyakap nya ng mahigpit si Shaine. Hindi ako mapagdudang tao at lalong hindi makitid ang utak ko pero ng mga oras na yon ay hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang nararamdaman ko. Bago pa nila ako mapansin ay mabilis na akong lumayo at umuwi ng bahay. At sa kauna-unahang pagkakataon simula ng maging kami ni Ian ay nakatulog ako ng hindi man lamang nya tinext at kinumusta.

Hindi ko alam ang dapat gawin kaya pumasok ako kinabukasan ng wala sa sarili. After ng class ko, nagulat ako ng makita ko si Ian sa harap ng classroom namin at naghihintay saakin. Seryoso ang itsura nya, hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko. Nag-usap kami. Para sakin yun na ang pinakamahabang sandali ng buhay ko habang binibigkas nya ang mga salita ng pakikipaghiwalay.

All those time na naging kami ay umasa akong totoong minahal nya ako. Na hindi nya lang ako ginamit at ginawang panakip butas habang hinihintay nyang bumalik sa kanya yung una nyang girlfriend.

Ngayon, nahihirapan akong mag move on.
"How can i say goodbye to someone i never had? "
Paano ko sasabihing pinakakawalan na kita kung hindi ko naman pala talaga naangkin ang puso mo?
"Why do tears fall for someone who was never mine?"
Bakit kita kailangan kitang iyakan? Alam ko namang balewala lang sayo ang mga bawat luhang pumapatak sa mata ko.
"Why do i miss someone i was never with?"
Bakit kailangan kong iyakan at panghinayangan yung mga sandaling kasama kita na hindi naman pala totoo sayo? Na ako lang pala ang nagtatreasure?
"And i ask myself why do i love someone whose love was never mine to begin with?"

Masuwerte pa pala sila. Dahil kahit nagmamahal sila ng taong hindi sila kayang mahalin ay atleast hindi sila umasa at pinaniwalang kaya rin silang mahalin nito.







love story of mine(if it is)

i love reading novels about love.
listening to the radio.
watching in the movie.

i always believe that love do really exist.. for others.
i just love to witness it for others, want to feel their happiness, and want to suffer their own hurts. but that just all.. i just want to feel what they are feeling when they are in love.

im not a particular little girl who believe and wishes of her own fairytale.
yes, i do believe one and hoping for one .. but for others.
what i wish is to play as a fairy god mother and not ofcinderella, but never been her wicked step mother.
to play as a cupid, not the heroine.

i love to see a happy beginning for two willful lovers, not an ending.
because i do believe that true love never had its ending.

it is all for others,
never to be mine.
why?
it is not because i am not capable to be in love..
no.anyway, I've always been in love to the idea of love itself.

But just because..
i'm not capable of being loved by someone.
for i myself do not deserve to be loved.
except for the love of God,
no man,
nobody , and no one will ever do.